Showing posts with label UnwaNteD XpeRieNceS. Show all posts
Showing posts with label UnwaNteD XpeRieNceS. Show all posts

Saturday, August 6, 2011

A.B. Normal

ABNORMAL BA KO?

Sabi nila kung naiiba ka raw sa karamihan, hindi ka normal. Kung karamihan nahuhumaling kay Justin Bieber pero ikaw solid Freddie Aguilar pa rin – abnormal ka. Kung karamihan nagsusuot na ng skinny jeans pero ikaw bell bottom pa rin – abnormal ka. Kung karamihan kalbo pero ikaw long-hair – abnormal ka.

Sa loob ng LRT feeling ko normal ang lahat.... maliban sa akin...

Pag tumingin ako sa kaliwa, si ate may nakasalpak na earphone sa tenga, may hawak na cellphone, nagtetext. Pag tumingin ako sa kanan, si kuya may nakasalpak na earphone sa tenga, may hawak na cellphone, nagtetext. Pag lumingon ako sa likod, si lolo may nakasalpak na malaking headphone sa tenga, nag heheadbang...

Ako nakahawak sa safety hand drills, nag iimagine...

Meron din akong cellphone at MP3 Player. Pero sa office ko lang ginagamit. Una, para di ko marinig ang pinagttsismisan ng mga officemates ko. Pangalawa, para di ako antukin habang nagtatrabaho... Kung minsan naman, ginagamit ko din sa bus pag malayo ang byahe gaya nung pumunta kami sa Baguio...

Pero sa loob ng LRT, over-my-dead-hunky-body!!!

Kaya naman nagulat ako ng minsan may nakita akong ale (naka uniporme na sa tingin ko nagttrabaho sa bangko) na nanonood pa ng pelikula sa iPod nya... Anu to, mas trip nya manood sa ganun kalaking screen? Sarap yayain manood ng sine. Meron din mga estudyante na naglalaro naman sa cellphone at iPod nila ng Super Mario 2... sabagay yun naman talaga gamit nun... Yung iba nagppicture taking pa sa LRT, ang background billboards ng Azkals... Meron naman naka-earphone nga pero parang mini-speaker ang nakasalpaksa tenga... Di ko alam kung sinasadya iparinig sa akin na paborito nyang singer si Willie Revillame...

Ako, nakahawak pa rin sa safety hand drills at pinipilit iwasang masandalan ang magkabilang pintuan ng tren habang hinahanda ang magnetic card na gagamitin sa paglabas ng istasyon...

Minsan nagdududa ako kung magkakamag-anak ang mga kasama ko sa loob ng tren... at ako yung others pag sinasabi nilang para ka namang others... naOOP ako sa kanila... di ko masakyan ang trip nila... Para akong galing sa ibang panahon na nag time-travel sa future... di ako makarelate... Parang umatend ako sa birthday party na naka holloween costume...

Bahala na... darating ang araw na magiging katulad din siguro ako nila... Certified KAPAMILYA!!! XD


Monday, August 4, 2008

~One Wet Monday~

Kahapon ko pa inaabangan sa TV ang paglabas ng FLASH REPORT: Classes of all levels and both private and public offices are suspended due to [insert the name of the typhoon here]…

I love wet season… I love wet dreams…LOl… Kakatamad naman kasi bumangon sa kama pag umuulan… lalo na pag may kayakap… na unan… gaya kahapon maghapon ang ulan… tulog… kain… tulog… laro audition… tulog... kain… tulog… wiwi sa cr… tulog… txt-txt… tulog… ang ginawa ko… linggo kahapon, lunes ngayon…

Wala eh… asa pa… binigo ako ng PAG-ASA… may pasok daw…. pambihirang low pressure area di pa naging ganap na bagyo para magkalat ng manaka-nakang pag ulan, pagkulog at pagkidlat sanhi ng hanging habagat na umiiral sa silangang bahagi ng bansa… (sori sa mga binabaha, walang personalan hehe)… No choice, nid kong pumasok dahil naniniwala ako sa pamahiin na pag bad3p ka ng lunes buong linggo ka bad3p… kaya kung absent ako ngayong lunes malamang one week din akong absent… masaklap nyan sabihin na rin ng boss ko na ituloy-tuloy ko na ang pag-absent…

Walang ulan pag-alis ko kanina… kala ko tuloy2x na kaya di na ako nagdala ng payong… kala ko lang yun… pero sa totoo tamad ako magbitbit ng kung anu-anong anik-anik… lalo na ng payong… maliban sa makalimutin ako sa mga dala-dalahan ko, panira ng get-up ang payong… sayang ang plantsado kong buhok… plantsadong panyo na pantay ang pagkakatupi… plantsadong medyas… nkkabawas pogi points… kaya pag pumapasok ako, wala akong bitbit… parang mamasyal lang sa Baywalk…

Eto na… nakasakay na ko sa jeep nang biglang bumuhos ang malakas na ulan… shet.. pasarapin ang ekesena… ilabas ang coke… spotlight… bumaba ako at naglalakad sa gitna ng ulan… biglang may nag-alok na magandang chicks ng payong… sumilong ako… nakangiti siya sakin… mapang-akit na ngiti… binigyan ko rin siya ng killer smile… huminto kami sa gitna ng ulan habang pinagkakasya ang mga sarili sa dala nyang payong… sinapo ko ang mga kamay nyang nakahawak sa handle… di siya tumanggi… dahan-dahang naglapit ang aming mga labi … pero xmpre nde un ang totoong eksena… nasa jeep pa rin ako at malapit ng bumaba… patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan… naisip ko pagbaba ko kaya pogi pa rin ako?? Mas inaalala ko ang buhok kong nka-gel… cguradong tablado sa ulan… walang matigas na buhok sa ulan na bumubuhos… it’s a matter of life and death… kelangan ko ng bumaba… Bahala na c Batman…

Pagbaba ng palengke, silong agad ako sa may naglalako ng pirated DVDs… “DVD, boss,” alok ni kuya… “Maya na lang boss pag-uwi ko, daan ulet ako dito”… chorva ko lang un… baka paalisin ako sa kinasisilungan ko pag sinabi kong di ako bibili…. para naman makakatulong yan DVD nya para di ako mabasa... ilang minuto na di pa rin tumitigil ang ulan… ampness… mukang mapapabili ako ng payong ng wala sa oras… tipid mode pa naman ako… wala ng pandate... nagdecide na ko… di bale na masira budget ko kesa tumambay sa tindahan ng pirated DVDs… lapit ako sa batang babaeng nagtitinda ng payong…

Ako: magkano payong mo??...
Bata: P65 lang kuya….
Ako: mahal naman… bat may butal pang P60? P5 na lang…
Bata: *halakhak sabay hampas sa braso ko (feeling close)* palabiro ka kuya!! Haha…
Ako: toink… di nga… mura lang mga ganitong payong disposable to eh…
Bata: Kahit saan ka magtanong kuya yan ang presyo nyan… cge P60 nalang para sayo tutal pogi ka naman e…
Ako: hanep ka mang-uto ah…hanggang dun na lang discount??...
Bata: Oo kuya, bawi lang kami sa puhunan…
Ako: Mga ilan naman warranty nito?
Bata: Mga kalahating araw kuya… *tawa ulet*
Ako: Cge ntayin mo ko mamayang tanghalian, babalik ako sira na tong payong… e2 bayad…
Bata: Ate, ate suklian mo tong 200 ni kuya… (dumungaw si ate mula sa loob ng tindahan… wahaw dude kamukha ni Chocoleit si ate kung naging bakla)
Bata: Eto kuya sukli mo… salamat kuya…
Ako: whew! mukhang kapos tong handle ng payong mo ang iksi… mukang masisira talaga to mamayang tanghali (sabay alis)
Bata: Cge, balik ka na lang kuya mamayang tanghali… saka anu nga pala number mo sabi ni ate??
Ako: ha?? Oo cge tenk yu ha… (kunwari di ko narinig sinabi)

Nasira ko yung hawakan sa dulo nung payong pagdating ko ng office… pero pinag-iisipan ko kung babalik ako dun mamaya para i-avail yung warranty… :P

Monday, July 21, 2008

"...WoRd 4 d DAY..."

so·ber [sṓbər]
adj.

not intoxicated: not under the influence of drugs or alcohol

tending not to drink: not in the habit of drinking much alcohol or using drugs

serious: serious and thoughtful in demeanor or quality

dull: lacking vitality or brightness in appearance

· He always dresses in sober colors.

· a sober face

not fanciful or speculative: based on facts and rational thinking rather than on speculation

· a sober assessment of the situation


It's not that I don't know the definition...
It's just that I misplaced it in my emotion...


Had there been something I want to happen at this precise moment that is to see myself going back to the state of sobriety… Yes, I am still under the influence of the spirit who once possessed Emily Rose… I need an exorcist… Worse, I have done things earlier that even I can’t imagine am capable of... I feel like my reputation has been tarnished… And out of an acute sense of “delicadeza,” let me just waive my right to discuss further… Lol..

GSM Blue plus Iced tea isn’t a good combination for me… It’s like descending abruptly down to HELL… It penetrates through the tiny neurons of your brain cells… You will definitely lose your sanity…

di ko na lam kung panu tatapusin 2ng post ko... kaya gan2 na lang bigla na lang mawawala....

Friday, June 20, 2008

~TsuNami sa UsTe~

I love RAIN... not only because it reduces the amount of mercury in the thermometer but also playing under it is absolutely a great fun... but earlier, I almost cursed the sky for dropping that vast rainfall in Manila...

Coming from an official business in Supreme Court, Manila, I and Kajo were on board of an FX when we were caught by a heavy rain... that was about 1:15 p.m... 1:30 p.m. nasa España na kami.... guess what??.... the road was no longer passable due to flood... whoa! in 15 minutes time ganun kabilis ang pagtaas ng water level dun???... geezz buti di ako nag-aral sa uste.... At first, I was thankful... Buti nsa FX kami... kahit matagalan kami makabalik ng office (expected ko na) ok lang masarap naman m2log kasi aircon... Asa lang pala ko.... the driver made a sudden turn to an alley along España to avoid the intensifying flood... gagarahe na pala c Manong di na naawa sa mga pasahero na bababa ng FX nya at maghahagilap ng mali2patan... T_T.... kasagsagan pa un ng ulan... lahat ng pasahero napa *&$!@#*! talaga.... kso wala e driver xa pasahero lang kami.... buti kahit panu may nasilungan naman.... sa isang tolda ng mga nagaalok ng condo unit rentals... "P10 lng para sa tolda" pabirong sabi ni Manong Real Estate Agent... pero natitiyak ko may laman un... wala pa cguro nautong customer sa inaalok nilang condo tsk tsk.... binigyan kami ng Flyers na tinanggap ko naman... usually tinatapon ko un dahil basura.... pakunswelo lang....

Minutes later, rain was sitll rampant... dumadami na kami sa tolda na sinisilungan namin dahil sa dami ng gumaraheng mga sasakyan.... poor commuters.... buti may dumaang jeep, sumakay kami... nkkhiya na dun sa may ari ng tolda.... "itatabi ko lang 2 pahupain ko muna ung baha," the jeepney driver said... labas ang ibang pasahero (nawalan agad ng pag-asa) but we opted 2 stay there for shelter purposes kesa mabasa.... wala man "palabra de honor" si Manong dahil hindi naman nya talaga hininto ung jeep nya, masaya kami.... He faced the approaching tsunami squarely.... buti matibay ang kanyang karburador... trapik man umaandar pa rin kaya di na tinuloy ni kajo ang knina p nyang balak na humagulhol.... She is not used to get stranded.... 4:00 p.m., at last nakabalik kami ng QC... 30 min. bago mag uwian whew.... buti maganda mood ng mga officemates ko at di nagusisa... di na rin nila nalaman ang mala-Ces Drilon namin karanasan pabalik...

LESSONS LEARNED:

  • Both lanes of España are not passable after a 10 min. continuous heavy rains
  • Drivers are not reliable in certain situations
  • It's not really a good idea to have ur children enrolled in UST
  • A Real Estate Agent's job sucks