Saturday, August 6, 2011

A.B. Normal

ABNORMAL BA KO?

Sabi nila kung naiiba ka raw sa karamihan, hindi ka normal. Kung karamihan nahuhumaling kay Justin Bieber pero ikaw solid Freddie Aguilar pa rin – abnormal ka. Kung karamihan nagsusuot na ng skinny jeans pero ikaw bell bottom pa rin – abnormal ka. Kung karamihan kalbo pero ikaw long-hair – abnormal ka.

Sa loob ng LRT feeling ko normal ang lahat.... maliban sa akin...

Pag tumingin ako sa kaliwa, si ate may nakasalpak na earphone sa tenga, may hawak na cellphone, nagtetext. Pag tumingin ako sa kanan, si kuya may nakasalpak na earphone sa tenga, may hawak na cellphone, nagtetext. Pag lumingon ako sa likod, si lolo may nakasalpak na malaking headphone sa tenga, nag heheadbang...

Ako nakahawak sa safety hand drills, nag iimagine...

Meron din akong cellphone at MP3 Player. Pero sa office ko lang ginagamit. Una, para di ko marinig ang pinagttsismisan ng mga officemates ko. Pangalawa, para di ako antukin habang nagtatrabaho... Kung minsan naman, ginagamit ko din sa bus pag malayo ang byahe gaya nung pumunta kami sa Baguio...

Pero sa loob ng LRT, over-my-dead-hunky-body!!!

Kaya naman nagulat ako ng minsan may nakita akong ale (naka uniporme na sa tingin ko nagttrabaho sa bangko) na nanonood pa ng pelikula sa iPod nya... Anu to, mas trip nya manood sa ganun kalaking screen? Sarap yayain manood ng sine. Meron din mga estudyante na naglalaro naman sa cellphone at iPod nila ng Super Mario 2... sabagay yun naman talaga gamit nun... Yung iba nagppicture taking pa sa LRT, ang background billboards ng Azkals... Meron naman naka-earphone nga pero parang mini-speaker ang nakasalpaksa tenga... Di ko alam kung sinasadya iparinig sa akin na paborito nyang singer si Willie Revillame...

Ako, nakahawak pa rin sa safety hand drills at pinipilit iwasang masandalan ang magkabilang pintuan ng tren habang hinahanda ang magnetic card na gagamitin sa paglabas ng istasyon...

Minsan nagdududa ako kung magkakamag-anak ang mga kasama ko sa loob ng tren... at ako yung others pag sinasabi nilang para ka namang others... naOOP ako sa kanila... di ko masakyan ang trip nila... Para akong galing sa ibang panahon na nag time-travel sa future... di ako makarelate... Parang umatend ako sa birthday party na naka holloween costume...

Bahala na... darating ang araw na magiging katulad din siguro ako nila... Certified KAPAMILYA!!! XD


No comments: