Monday, August 4, 2008

~One Wet Monday~

Kahapon ko pa inaabangan sa TV ang paglabas ng FLASH REPORT: Classes of all levels and both private and public offices are suspended due to [insert the name of the typhoon here]…

I love wet season… I love wet dreams…LOl… Kakatamad naman kasi bumangon sa kama pag umuulan… lalo na pag may kayakap… na unan… gaya kahapon maghapon ang ulan… tulog… kain… tulog… laro audition… tulog... kain… tulog… wiwi sa cr… tulog… txt-txt… tulog… ang ginawa ko… linggo kahapon, lunes ngayon…

Wala eh… asa pa… binigo ako ng PAG-ASA… may pasok daw…. pambihirang low pressure area di pa naging ganap na bagyo para magkalat ng manaka-nakang pag ulan, pagkulog at pagkidlat sanhi ng hanging habagat na umiiral sa silangang bahagi ng bansa… (sori sa mga binabaha, walang personalan hehe)… No choice, nid kong pumasok dahil naniniwala ako sa pamahiin na pag bad3p ka ng lunes buong linggo ka bad3p… kaya kung absent ako ngayong lunes malamang one week din akong absent… masaklap nyan sabihin na rin ng boss ko na ituloy-tuloy ko na ang pag-absent…

Walang ulan pag-alis ko kanina… kala ko tuloy2x na kaya di na ako nagdala ng payong… kala ko lang yun… pero sa totoo tamad ako magbitbit ng kung anu-anong anik-anik… lalo na ng payong… maliban sa makalimutin ako sa mga dala-dalahan ko, panira ng get-up ang payong… sayang ang plantsado kong buhok… plantsadong panyo na pantay ang pagkakatupi… plantsadong medyas… nkkabawas pogi points… kaya pag pumapasok ako, wala akong bitbit… parang mamasyal lang sa Baywalk…

Eto na… nakasakay na ko sa jeep nang biglang bumuhos ang malakas na ulan… shet.. pasarapin ang ekesena… ilabas ang coke… spotlight… bumaba ako at naglalakad sa gitna ng ulan… biglang may nag-alok na magandang chicks ng payong… sumilong ako… nakangiti siya sakin… mapang-akit na ngiti… binigyan ko rin siya ng killer smile… huminto kami sa gitna ng ulan habang pinagkakasya ang mga sarili sa dala nyang payong… sinapo ko ang mga kamay nyang nakahawak sa handle… di siya tumanggi… dahan-dahang naglapit ang aming mga labi … pero xmpre nde un ang totoong eksena… nasa jeep pa rin ako at malapit ng bumaba… patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan… naisip ko pagbaba ko kaya pogi pa rin ako?? Mas inaalala ko ang buhok kong nka-gel… cguradong tablado sa ulan… walang matigas na buhok sa ulan na bumubuhos… it’s a matter of life and death… kelangan ko ng bumaba… Bahala na c Batman…

Pagbaba ng palengke, silong agad ako sa may naglalako ng pirated DVDs… “DVD, boss,” alok ni kuya… “Maya na lang boss pag-uwi ko, daan ulet ako dito”… chorva ko lang un… baka paalisin ako sa kinasisilungan ko pag sinabi kong di ako bibili…. para naman makakatulong yan DVD nya para di ako mabasa... ilang minuto na di pa rin tumitigil ang ulan… ampness… mukang mapapabili ako ng payong ng wala sa oras… tipid mode pa naman ako… wala ng pandate... nagdecide na ko… di bale na masira budget ko kesa tumambay sa tindahan ng pirated DVDs… lapit ako sa batang babaeng nagtitinda ng payong…

Ako: magkano payong mo??...
Bata: P65 lang kuya….
Ako: mahal naman… bat may butal pang P60? P5 na lang…
Bata: *halakhak sabay hampas sa braso ko (feeling close)* palabiro ka kuya!! Haha…
Ako: toink… di nga… mura lang mga ganitong payong disposable to eh…
Bata: Kahit saan ka magtanong kuya yan ang presyo nyan… cge P60 nalang para sayo tutal pogi ka naman e…
Ako: hanep ka mang-uto ah…hanggang dun na lang discount??...
Bata: Oo kuya, bawi lang kami sa puhunan…
Ako: Mga ilan naman warranty nito?
Bata: Mga kalahating araw kuya… *tawa ulet*
Ako: Cge ntayin mo ko mamayang tanghalian, babalik ako sira na tong payong… e2 bayad…
Bata: Ate, ate suklian mo tong 200 ni kuya… (dumungaw si ate mula sa loob ng tindahan… wahaw dude kamukha ni Chocoleit si ate kung naging bakla)
Bata: Eto kuya sukli mo… salamat kuya…
Ako: whew! mukhang kapos tong handle ng payong mo ang iksi… mukang masisira talaga to mamayang tanghali (sabay alis)
Bata: Cge, balik ka na lang kuya mamayang tanghali… saka anu nga pala number mo sabi ni ate??
Ako: ha?? Oo cge tenk yu ha… (kunwari di ko narinig sinabi)

Nasira ko yung hawakan sa dulo nung payong pagdating ko ng office… pero pinag-iisipan ko kung babalik ako dun mamaya para i-avail yung warranty… :P

4 comments:

Anonymous said...

--

hakhak

ui death note, peborit ku yan

hakhak

saws, ang mhal ng pyong jan ah, 50 lng d2 yan eh

hakhak

elyens poreber

XXXxx

™ScaRheaD™ said...

yeh..raise d roof... poreber elyens.. har har..

peborit ko rin yan deathnote lalo na ung character ni L.. sabog buhok... pero sa totoo mas adik ako sa NARUTO kasi mas sabog ang buhok...

pde ba magpabili sayo ng payong dude?? san ba nkkbili ng 50 na yan??... :D

UtakMunggo said...

balikan mo si ate, at hindi yung warranty. hahaha

™ScaRheaD™ said...

woot... wak na dami ko na ka-txtm8 eh walang panreply nyahaha... 6m8 pde pa.. wakekekek....