Friday, December 31, 2010

Farewell 2010

8:56... ang ingay na sa labas... pero mas lamang ang torotot sa paputok.... indikasyon na naghihirap na talaga ang mga tao... kahit ako hindi ako bumili ng paputok.... pero hindi naman ako ganun naghihirap... nagiging praktikal lang...

3 hours na lang bagong taon na... first time ko icelebrate ang bagong taon sa bahay ko... (hindi bahay ng nanay o ng tatay ko)... sarap ng pakiramdam na totally independent na ko at this age... dalawa lang kami dito ni mahal ngayon (first time din kami mag celebrate ng new year dito)... gusto tallaga namin icelebrate ang new year dito para masabing bahay nga talaga to... isa pa, para maitaboy namin ang kung anumang masamang espiritu meron dito kahit sa tingin ko e wala naman.... isa pa pala, para pumasok din ang swerte samin... sort of blessing na rin kasi hindi ko naman to napa bless sa pari bago namin tirhan...

Gumawa lang kami ng fruit salad na dadalhin rin namin sa ermat ko mamaya pagtapos ng putukan...