Monday, July 14, 2008

~Wr0ng TuRn~

Nakakatawa na nakakaiyak ang drama ko kanina….

Palibhasa ang first day of implementation ng Fare Increase ang nasa utak ko kanina mula nung umalis ako ng bahay… paulit-ulit ko binibilang ang barya sa coin purse ko dahil trahedya pag nakulangan na naman ako ng barya kahit bente-singko… P8.50 na ang minimum ngayon at para sa kin asar yun… sana di na lang nilagyan ng butal na singkewenta sentimos… panggulo lang ang tig-bbente-singko sa coin purse… gagawin din naman nilang 9.00 ang minimum di pa binigla…taena (sa loob-loob ko)...ngayon bigyan mo ng buong limandaan o sanlibo ang driver tiyak ibabangga nya ng sinasakyan mong jeep…

“Barya lang po sa umaga”
“Matanda man o bata, may ngipin o wala, saktuhin ang bayad bago bumababa”
"God knows hudas not pay!"

Kung susuriin ang mga reminders ng mga drivers sa mga pasahero mas strikto pa sa mga teachers ko nung elementary…. Kulang na lang may patpat na pamalo sa palad ng mga magwawantutri… Hindi uubra si hudas sa powers nila... it's ironic kasi kahit presidente ka pa ng bangko o nagttrabaho sa naglalakihang buildings sa Makati basta nabadtrip sayo ang driver dahil buo ang binayad mo cguradong malilintikan ka...

Balik sa nakakatawa at nakakaiyak na drama…

Hindi ko alam kung bakit napasunod ako sa mahabang pila kanina sa palengke kung saan ako sumasakay ng jeep papuntang city hall… feel na feel ko pa ang pinapakinggan kong music sa mp3 ko habang nagaantay na makasakay… ayoko mainip… Yun ang lamang ko sa mga commuters na naiinip pag trapik o nakasakay sa jeep ng mga dating driver ng punerarya… Ako paheadbang-headbang lang… nagssoundtrip… habang yung iba nagtyaga na lang mangulangot at yung iba natutulog sa balikat ng katabi nila para lang di mainip... Nung una tahimik lang ako nakapila….10 minuto ang lumipas bago ko napansin na ders something wrong… wazz d problem of dis pipol??? bat may mga hawak silang plastic bag?? Imposible naman karamihan sa kanila mahiluhin sa jeep at nagdala pa ng susukahan…. Yung iba mga nakapambahay pa… weird… tinanggal ko na ang pride ko … nagtanong na ko sa mama nasa likod ko “manong ano pong pila to??” malas ko dahil pilosopo si manong… “pila to sa wowowee, ingat ka sa stampede ganda pa naman ng polo mo”… sa loob-loob ko saksakin ko kaya ngala-ngala ni manong ng di na abutan ng stampede… pasalamat xa nasindak ako sa mga bungo na tattoo nya sa braso... parang cnasabi sa kin na mag-ingat ako sa lason... Yung kasunod nyang babae ang sumagot “pila to ng NFA sa loob ng palengke”

Tama ba narinig ko?? Pila ng NFA?? Putanescang malata talaga… Di yata maganda ang epekto ng NFA kay manong at di man lang nagmagandang loob na sabihan akong “Excuse me, sir, I think you are barking at the wrong tree...” Kung tutuusin kanina pa xa sa likod ko at obvious naman na nde ako bibili ng NFA… halleer…. “Ay hehe mali pala pila ko, cge po salamat!” sabay pasimple akong nagtungo sa totoong pila ng jeep papuntang city hall... nilingon ko si manong at binigyan ko ng dirty finger sabay sigaw ng “babalik ako at dudurugin kita, Joaquin Burdado!”…

Nakakatawa dahil naglaro na naman ako ng tanga-tangahan... nagmukha akong engot sa harap ng mga idiots... kahit cla di nila masabi sa kin na "are u one of us??"... ikinahiya nila akong maging myembro ng kanilang organisasyon... pero mas naiyak ako sa ngyari... nde dahil sa sinapit kong kahihiyan... o dahil ayaw nila akong tanggapin bilang kauri... kundi dahil nabuksan ang aking kamalayan sa hubad na katotohanan... eto na ba ang Pinas ngayon?? kinakailangan gumising ng maaga at pumila ng mahaba para makabili ng bigas na ipantatawid sa isang araw??... Sabagay dun nga sa may NFA sa Visayas Avenue nagkakagulo pa sa pila ang mga tao dahil wala ata sa sistema yung pagbibigay sa kanila ng bigas... tsk tsk... sana naman wag akong dumating sa point na ganun.. ayokong pumila...

No comments: