Thursday, July 31, 2008

You are cordially invited to my Birthday

"The One with the power to vanquish the Dark Lord approaches... Born to those who have thrice defied him, born as the seventh month dies.... and the Dark Lord will mark him as his equal, but he will have power the Dark Lord knows not... and either must die at the hand of the other for neither can live while the other survives... The one with the power to vanquish the Dark Lord will be born as the seventh month dies..."

-Excerpts from the Harry Potter and the Order of the Phoenix-


The seventh month dies today... July 31, 2008... that means today's Scar's BIRTHDAY yikeeesss... (confetti dropping from everywhere)

The above prophecy of Professor Trelawney had long been laid to rest... It's been a year since the legendary battle between Scarhead Boy and You-Know-Who... And Scar lived with the muggles since then... no spells... no jinxes... no quidditch... no magic... Neither did he use again any of his magical possessions: invisibility cloak, wand, marauder's map, firebolt, and the two-way-mirror... Scar feels like he is of no use every now and then... Now, he's decided... He is returning to the place where his family is... his friends and foes... and more importantly, himself...

The Platform Nine and Three-Quarters is still there... He passes through the barrier and he momentarily saw the scarlet-colored train approaching... the Hogwarts Express... "Welcome aboard, Mr. Scarhead," says the old woman pushing a trolley... Scar bought a Chocolate Frog from her as he thinks of Ron and Hermione... He wishes he has his two buddies seating with him on the train... Several wizards have been added this time to the collection of Chocolate Frog Cards... It now includes Harry Potter- The wizard who defeated Voldemort... Scar grins...

Scar is now a few steps away to the Hogwarts castle... He hears the song of the merepeople on the lake... He catches a glimpse on the Quidditch pitch... and he can't help imagining the previous clash between Gryffindor and Slytherin... His prodigy as phenomenal Seeker of the Gryffindor Quidditch team is still fresh in his memory... The place seems to have not changed at all... The whomping willow... the forbidden forest... They are still there....His attention is now focused on Hagrid's hut... It is still standing the way it is way back his school days... But the presence of his giant friend and its pet Pang is not evident...

Scar continues walking ahead...

He is now at the doorstep of the castle... Mr. Filch opens the gate and Mrs. Norris gasps upon seeing him... "Come in, my dear old mate," says the voice from afar... Scar recognizes the voice.... "Neville, is that you?" Scar runs toward the owner of the voice... "Welcome back to Hogwarts! the others are waiting... come with me"... "Show some utter respect to the headmaster," Filch hisses... Scar ignored him... "So, that's it... Neville has eventually become the headmaster..." Scar says unto himself...

Dumbfounded, Scar was not able to speak a single word as he sees the five tables crowded and full of wizarding foods... the ghosts are also present... "Hi there Scar," the woman behind taps Scar's back... It's Hermione... The two embraces as if no other people around... "Blimey Scar!!!... You made it as I expected... You're fucking wicked... You're not messing up with the muggles, are you??" Ron in his usual red hair appears from nowhere... His co-Gryffindors Dean Thomas, Seamus Finnigan, Ginny Weasley, Luna Lovegood, the Weasley twins as well as Cho Chang, Ernie McMillian and Hannah Abbot are all staring at him teary-eyed... they are all seating at the staff table...

"Ladies and Gentlemen, we are now celebrating the birthday of our very own ScaRheaD..." Neville speaks as he casted 'sonorus'... "LET THE FEAST BEGIN!!!..." (crowd uproars) [cue Harry Potter OST here]




NOTE: The foregoing narration is purely a product of Scarhead's polluted brain... this is not intended to violate the copyright law whatsoever but solely for fan-fiction purposes.... and besides, it's his birthday... walang basagan ng trip... taena...

Tuesday, July 29, 2008

~AT RandoM~

Andamekonggustongsabihinperodikolamkungsaanakomagsismula

Bago ang lahat e2 muna.

Bad3p ang internet connection ko sa haus… soooobraaaaang baaaaagaaaal maaag-loaaaaaadiiiiiiinggggg.... kakatamad tuloy mag update ng friendster, multiply, facebook, hi5, myspace, blog, plurk, etc… di mkapag yahoo… di mkapag google… di mkapag youtube… di mkapag upload ng pics… di mkapag browse… di mkapag surf… di mkapag tide… sheesh...gulat ka no??...

anak-ng-pitumpu’t-pitong-puting-pating… Kung bakit pa kasi ko nag SMART BRO… Kung sa specs lang ng PC ko 101.9% for life sure akong wala itong kinalaman sa bagal ng net connection… di naman ganito nung unang buwan ako nka-subscribe sa Smart Bro… tama ako... walang deperensya PC ko… dahil nalaman ko na ung iba rin palang Smart Bro users ganito rin ang reklamo… pakshet... Anu ba problema mo BRO???...

No Phone Policy

I hereby declared this "No Phone Policy" starting today until further notice...

Last week lang isinugod ko sa Sony Ericson Center sa Cyberzone phone ko kung saan ko ito binili…ayaw kasi gumana ng earphone kaya di ko marinig mga tumatawag… memory stick ayaw rin basahin… einubehnemenyen... kabago-bago wasak agad... di kinaya powers ng may-ari ampness... buti under warranty pa…

warranty is a privilege... di ko maintindihan... dahil hanggang ngayon di ko pa rin naku2ha phone ko na under warranty... ilang beses na ko tumatawag para i-follow up... kesyo wala raw clang available na pyesa... "kelan po magkakarun ng available??" "Hindi po namin alam, sir, basta tumawag-tawag lang kayo"... wadapakz... sa lahat ng ayoko ung walang katiyakan... panu kung one year walang dumating na pyesa??... one year akong walang phone??... e2 ba ung cnasabing warranty??... kung ganun di warrranty ang kelangan ko... guaranty... binibigyan ko lang sila ng one week para ayusin phone ko... kundi buhay nila ang aayusin nila ng one year... guaranteed yan... >_<

Misunderstood


alam ko wala akong talent magpaliwanag... pero sinusubukan ko naman ipaunawa sayo... bat di mo magets??... hirap na nga ko mag-explain... tinagalog ko na, in-english ko pa kahit nosebleed... gusto mo latin?? wag naman di ko kaya un... nag-sign language na rin naman ako with facial expression na parang charade... nag "read my lips"... anu pa ba kulang?? visual aids?? overhead projector?? Powerpoint Presentation???... tae... kaya nga di ako nag-teacher... dahil alam kong walang magandang kinabukasan naghihintay sa mga estudyante ko pag sumailalim sila sa pagtuturo ko... nde kaya ng konsensya ko isugal ang future ng mga bata para lang pagpraktisan ko...

pero di ka na bata... mataas naman IQ mo... honor student ka nga di ba??... dami mo nasasagot sa Game K N B... mas marunong ka pa sakin sa maraming bagay... bat di mo magets??.. cmon' use your head... drink WHAM...

Kindness is next to bullshitness

parang naniniwala na ko sa general connotation na ang mababait kinukuha agad ni Lord... Dinalaw ako ni Lord sa panaginip ko... kukunin nya na raw ako... sabi ko Lord naman... di ka ba naaawa sa mga maiiwan ko?? andami nilang mamamatay pag nagkataon... mawawala ang kalahati ng populasyon ng Pilipinas... di naman lahat sila mababait... unfair...


di sa maangas ako at malaki ang paniniwala ko na marami talaga nagmamahal sa kin to the extent na pag natsugi ako e sasama sila sa libing ko (literally)... alam ko yun... kasi mabait nga ako... ako ay mabait... (sang-ayon yan sa survey na isinagawa ng SWS at AGB Nielsen)


pero ang kabaitan na yun ang nagpapabagal sa paglakad ko... kahit sa pagtakbo di ko magawa... di ako makatakbo ng tuloy2x kasi everytime na may nakikita akong nadadapa, tinutulungan ko pang bumangon... minsan nga kinakailangan pang pasanin... mahirap kasi nagkakapilipilipit masel ko sa paa, alam ni Manny Pacquaio un... ganun ako...pag may nakaharang sa dinadaanan ko inaalis ko muna para ung mga nasa likuran ko na tumatakbo rin di nila ma-encounter yung harang... wala ng hassle... gustuhin ko man mandedma na lang, di ko magawa... dahil di naman ako suplado sa personal... lalong lalo na dahil sarili ko rin ang kalaban ko dun... And I find it bullshit...

Epilogue

sa huli, di ko rin naiwasan di kumain... kumain ng kumain... dahil yun ang sagot sa pagkabagot...

Monday, July 21, 2008

"...WoRd 4 d DAY..."

so·ber [sṓbər]
adj.

not intoxicated: not under the influence of drugs or alcohol

tending not to drink: not in the habit of drinking much alcohol or using drugs

serious: serious and thoughtful in demeanor or quality

dull: lacking vitality or brightness in appearance

· He always dresses in sober colors.

· a sober face

not fanciful or speculative: based on facts and rational thinking rather than on speculation

· a sober assessment of the situation


It's not that I don't know the definition...
It's just that I misplaced it in my emotion...


Had there been something I want to happen at this precise moment that is to see myself going back to the state of sobriety… Yes, I am still under the influence of the spirit who once possessed Emily Rose… I need an exorcist… Worse, I have done things earlier that even I can’t imagine am capable of... I feel like my reputation has been tarnished… And out of an acute sense of “delicadeza,” let me just waive my right to discuss further… Lol..

GSM Blue plus Iced tea isn’t a good combination for me… It’s like descending abruptly down to HELL… It penetrates through the tiny neurons of your brain cells… You will definitely lose your sanity…

di ko na lam kung panu tatapusin 2ng post ko... kaya gan2 na lang bigla na lang mawawala....

Monday, July 14, 2008

~Wr0ng TuRn~

Nakakatawa na nakakaiyak ang drama ko kanina….

Palibhasa ang first day of implementation ng Fare Increase ang nasa utak ko kanina mula nung umalis ako ng bahay… paulit-ulit ko binibilang ang barya sa coin purse ko dahil trahedya pag nakulangan na naman ako ng barya kahit bente-singko… P8.50 na ang minimum ngayon at para sa kin asar yun… sana di na lang nilagyan ng butal na singkewenta sentimos… panggulo lang ang tig-bbente-singko sa coin purse… gagawin din naman nilang 9.00 ang minimum di pa binigla…taena (sa loob-loob ko)...ngayon bigyan mo ng buong limandaan o sanlibo ang driver tiyak ibabangga nya ng sinasakyan mong jeep…

“Barya lang po sa umaga”
“Matanda man o bata, may ngipin o wala, saktuhin ang bayad bago bumababa”
"God knows hudas not pay!"

Kung susuriin ang mga reminders ng mga drivers sa mga pasahero mas strikto pa sa mga teachers ko nung elementary…. Kulang na lang may patpat na pamalo sa palad ng mga magwawantutri… Hindi uubra si hudas sa powers nila... it's ironic kasi kahit presidente ka pa ng bangko o nagttrabaho sa naglalakihang buildings sa Makati basta nabadtrip sayo ang driver dahil buo ang binayad mo cguradong malilintikan ka...

Balik sa nakakatawa at nakakaiyak na drama…

Hindi ko alam kung bakit napasunod ako sa mahabang pila kanina sa palengke kung saan ako sumasakay ng jeep papuntang city hall… feel na feel ko pa ang pinapakinggan kong music sa mp3 ko habang nagaantay na makasakay… ayoko mainip… Yun ang lamang ko sa mga commuters na naiinip pag trapik o nakasakay sa jeep ng mga dating driver ng punerarya… Ako paheadbang-headbang lang… nagssoundtrip… habang yung iba nagtyaga na lang mangulangot at yung iba natutulog sa balikat ng katabi nila para lang di mainip... Nung una tahimik lang ako nakapila….10 minuto ang lumipas bago ko napansin na ders something wrong… wazz d problem of dis pipol??? bat may mga hawak silang plastic bag?? Imposible naman karamihan sa kanila mahiluhin sa jeep at nagdala pa ng susukahan…. Yung iba mga nakapambahay pa… weird… tinanggal ko na ang pride ko … nagtanong na ko sa mama nasa likod ko “manong ano pong pila to??” malas ko dahil pilosopo si manong… “pila to sa wowowee, ingat ka sa stampede ganda pa naman ng polo mo”… sa loob-loob ko saksakin ko kaya ngala-ngala ni manong ng di na abutan ng stampede… pasalamat xa nasindak ako sa mga bungo na tattoo nya sa braso... parang cnasabi sa kin na mag-ingat ako sa lason... Yung kasunod nyang babae ang sumagot “pila to ng NFA sa loob ng palengke”

Tama ba narinig ko?? Pila ng NFA?? Putanescang malata talaga… Di yata maganda ang epekto ng NFA kay manong at di man lang nagmagandang loob na sabihan akong “Excuse me, sir, I think you are barking at the wrong tree...” Kung tutuusin kanina pa xa sa likod ko at obvious naman na nde ako bibili ng NFA… halleer…. “Ay hehe mali pala pila ko, cge po salamat!” sabay pasimple akong nagtungo sa totoong pila ng jeep papuntang city hall... nilingon ko si manong at binigyan ko ng dirty finger sabay sigaw ng “babalik ako at dudurugin kita, Joaquin Burdado!”…

Nakakatawa dahil naglaro na naman ako ng tanga-tangahan... nagmukha akong engot sa harap ng mga idiots... kahit cla di nila masabi sa kin na "are u one of us??"... ikinahiya nila akong maging myembro ng kanilang organisasyon... pero mas naiyak ako sa ngyari... nde dahil sa sinapit kong kahihiyan... o dahil ayaw nila akong tanggapin bilang kauri... kundi dahil nabuksan ang aking kamalayan sa hubad na katotohanan... eto na ba ang Pinas ngayon?? kinakailangan gumising ng maaga at pumila ng mahaba para makabili ng bigas na ipantatawid sa isang araw??... Sabagay dun nga sa may NFA sa Visayas Avenue nagkakagulo pa sa pila ang mga tao dahil wala ata sa sistema yung pagbibigay sa kanila ng bigas... tsk tsk... sana naman wag akong dumating sa point na ganun.. ayokong pumila...

Monday, July 7, 2008

~Message in the Bottle~


Nakita ko ang bagay na to na palutang-lutang sa Pasig River... Alam kong hindi 22o ang Genie pero dinampot ko pa rin dahil sa laman nito... isang sulat na hindi ko mainintindihan pero natityak ko ang kahalagahan ng nilalaman dahil sa marginal note na ito: The letter should be delivered to the recipient by all means because the fate of the world is at stake....

kaya naman naisipan ko i-post dito baka sakaling high-tech na ang recipient at mabasa nya rin eventually... The letter goes like this:


Ms. Capulet,

I don’t know where to start… In the same manner that you didn’t know also where to end our game back then… You didn’t even notice that it has ended, did you??…

You are under this impression that all this time you’ve been unfair to me… Though I assured you that you have not, you insisted to put all the blame on yourself…You said you’re being haunted by the thoughts of the past… That you have this lapse in judgment and flaws in your decisions… you are now trying hard to redeem your blunder…

Do you remember that day when we exchanged our farewells???.. You even cried with remorse then, didn't you??… according to you, those tears are for me… those tears elucidate that somehow you couldn’t afford to lose one like me… though, I can’t rely on your word, part of me says I should… but only one thing was certain for me then… you chose him over me…

You probably have no idea that when you struck me with your dagger of love, you left an unfathomable wound on my chest that it stopped my blood from running through my veins… My heart ceased functioning since… My eyes started to see nothing but blacks and whites… I couldn't hear the bird chirping or the waterfalls flowing… I couldn’t smell the fresh air in the morning so as the aroma of the coffee I’m sipping… I couldn’t touch the feathers on the angel’s wings… because you took away my emotions… I felt numb… I felt as if you placed me in that dismal prison sealed… feeble...helpless… alone...

But what you have seen is the opposite instead...

I tried to live in the most possible normal way that I could… I wanted to show you that what you did has actually never fucked me up... That my heart never halted from beating... I still got a long trip to travel in the first place... and I need to go on...

Not so long since I realized that I shouldn't have given you up that easily... I forgot to look myself in front of the mirror that I have not seen my deficiencies... you taught me this lesson: You wouldn't realize the importance of the thing you have unless you lost it...

Fate intervened...there you are at the opposite end of the road... waiting.... even you are not expecting that we are about to meet at the intersection... according to you, your feet unconsciously brought you there... now you are asking me if I will be going with you on you next journey???....

Yes, I will...

Mr. Montague


tsk tsk.... anu daw un??....

Sunday, July 6, 2008

~Spider Boom in Smallville~


Byahilo talaga ako kanina… di dahil may hang-over ako… di rin ako galing sa Enchanted Kingdom… at lalong di ako buntis amp… kung gus2 mo makita c Peter Parker na naligaw sa Smallville manood ka ng Kapitan Boom tuwing Sabado ng 6:45 ng hapon sa channel 2 bago mag Bitoy’s Funniest Video sa Channel 7… Pero ipinapayo ko na uminom muna ng isang banig ng Bonamine bago manood... kundi magsisisi ka.... Ganun ang takbo ng kwen2 ngayon ng Kapitan Boom… parang deja vu... ssbihin mo sa sarili mong 'parang ngyari na 2 ah san nga b un uhmm... ahh...'... saka mo maaalala ang drama nina Clark Kent at Lana Lang sa Smallville at Peter Parker at MJ sa Spiderman 4… Seems that the superheroes are facing the same dilemma when it comes to love… kaya nga nung nalaman ko yan hihinto ko na ambisyon kong maging superhero….


Bata 1: It’s a bird!!

Bata 2: It's a plane!!

Bata 3: It’s Spiderman!!

Bata 4: No, it’s Superman!!!

ScaR: Mga adik???... c Kapitan Boom yan!!..


Di alam ni Lance (Jay-R Siaboc) kung panu nya sasabihin sa mahal nyang c Melody (Maja Salvador) [na mahal ko rin] na xa c Kapitan Boom dahil alam nyang magagalit ito sa kanya dahil binalaan xa nito noon pa man na ayaw nya sa lalaking sinungaling…. (halata bang sinusubaybayan? Hehe)…. Kaya ngayong monthsarry nila buo na ang pasya ni Lance… ipagtatapat na nya sa mahal kong c Melody ang katotohanan sa kanyang pagkatao… na xa c Darna este Kapitan Boom…. At xmpre binigay sa kanya ng lola nya ang singsing na bigay ng lolo nya nung panahong naglalandian pa cla… (Trivia: hindi c Uncle Ben ang lolo ni Lance) Ibigay nya raw un kay Melody… At ganun nga ang ngyari… lumakad na c Peter Parker para ibigay kay Mary Jane ang singsing…. Pero inagaw i2 sa kanya ni Gollum (gawa2x ko lang yan)…. While on his way to Melody’s residence, umepal ang mga kalaban at kinailangan puntahan cla ni Kapitan Boom… Saktong nanonood c Melody sa Channel 2 nakita nya Live ang ginawang pakikipaglaban ni Kapitan Boom sa masasamang loob… nasugatan c Kapitan Boom sa flawless nyang mukha…pero natalo nya rin ang mga kalaban... maya2x Kumatok c Lance sa pintuan at dun nagka leche-leche ang lahat…. Nakita ni Melody ung scratch nya sa mukha na hawig ng kay Kapitan Boom and 2 make d long story short, nagkabistuhan na… naiyak ako sa scene na un dahil lumuha c Maja ko… ayoko xa makita sa ganung kalagayan.... wala ako sa tabi nya, wala akong magawa….. *nagpatak ng eye-mo sa mata*(habang ng nag-iinternalize)


Nasa climax ako ng panonod ng may naamoy akong nasusunog na sinaing mula sa kapitbahay…. Syet! sinaing ko pala un…

Saturday, July 5, 2008

~AuDisTa K B?~

Kakatapos lang ni ScaR maligo sabay spray ng pabango nyang Green Cross Alocohol (ay Bench pala 2) dahil alam nyang kulang ang bisa ng ginamit nyang kapiranggot na Safeguard kanina sa banyo… (Sa kanyang mapagpalang mga kamay na nalagutan ng hininga ang kaawa-awang safeguard)


Konsensya: Sabado na Scar walang pasok… mkkapag Audition ka na sa wakas…. (akalain mong may konsensya pa sa kapiranggot na un)

ScaR: O nga… O nga…. (nkangisi habang tulo laway..)

Konsensya: Game k n b? O kamay na sa dibdib (weh patawa)... o baka nid mo ng one-hour practice kakahiya kung di ka maka FM sa 150 bpm song... Clubber ka pa naman. Baka puro “nc one ate” at “nc one kuya” lang masabi mo habang cla ay buong pagmamalaking “4 u kuya ScaR”…. (kc nka FM cla sa Cool Aloha)….

ScaR: No nid…. Yakang yaka yan…. Nadadaan yan sa concentration at meditation…. Bawasan lang ng Subtraction at dagdagan ng onteng Addition bsta cguraduhing sakto ang Division tyak may Multiplication yun (anung konek??..)… E2 ang Dedication: Watch my ass on the dance floor….

Konsensya: Ah cgeh…GL and HF na lang…

ScaR: LuL…. ASA cla….

Kung noob ka o baguhan ka sa mundo ng Audition o sa kahit anung online game, malamang di ka makakarelate sa conversation sa taas ng dalawa (di ba isa lang yan??) sa mga tinitiliian at kinikilalang manlalaro sa mundo ng Audition ngayon…. the living legend na buhay... *drum roll*... SCARHEAD!!!... Ilan lang yan sa mga terms na inembento ng kung cnu2x player na basta na lang din in-adopt ng mga kapwa players…. (ang magnanakaw ay hindi 22ong galit sa kapwa magnanakaw) Common yan sa mga naglalaro ng online games…. Kaya kung newbie ka at sensitive ka, minumungkahi kong wag ka na magpa2loi sa paglalaro…. at paniguradong mawiwindang ka lang…

E2 ang ilan sa mga terminong tinutukoy ko:


Amfufu, Amfefe, Amfness – iisa lang ibig sabihin nyan nagkaiba lang ng bigkas depende sa kaartehan ng nagsasalitype…. amfefe (obvious ba?? mga manyak lang gumagamit nyan)…. Walang tiyak na katumbas sa wikang tagalog kc expression lang yan na variation ng “hmppp”… tapos nilagyan ng suffix na –ness gaya ng grabeness, taeness, potaness… panis….

GL and HF – abbreviation ng “Good Luck” and “Have Fun”….. bago magstart ang isang round yan ang opening remarks ng mga players…. magkakabati cla sa cmula....Kala mo talagang mga sports… pag natalo naman sa round na un pagbbintangang chancer, bot, panggap, pilot, at kung anu anu pang mga akusasyon at pagdududa sa talento ng kaawa-awang nanalo… dun mo maddiscover na ang ibig sabihin pala nila dun sa GL and HF ay "Gagu ka, Loko ka" and "Hayuf ka, Fak U ka"... Kung pwede lang kasuhan ng libel ginawa ko na….amfefe este amfufu....

Noobs, Newbies - cla ung mga pers tymer sa mundo ng virtual reality game show…. Mga napadaan sa internet café at nakakita ng magigiting na estudyanteng naglalaro ng DOTA, Ragnarok, Ran, Cabal, Flyff, Audition, O2 Jam blah! blah! (too many to mention) at nainggit este na-curious kung bakit ang matatapang na mga estudyanteng e2 ay subsob ang mga mukha at concentrated na kala mo nageexam ng UPCAT…. Na kahit alukin mo ng 1 Milyon e nde matitinag sa kinauupuan at hinding hindi susubukang alisin ang mga daliri sa keyboard at mouse…. Cla... cla ang iyong magiging inspirasyon hanggang maging isang ganap ka na ring MAMAW…..


Mamaw, Mumu, Mewmew (badingish way of using the term) – cla ang mga players na nirerepes2 at ina-idolize ng mga kapwa player dahil talaga naman di matatawaran ang kanilang kakayahan pagdating sa online games… masusi silang nanaliksik upang maging eksperto sa ganung uri ng larangan.....Yan ang kanilang field of expertise ika nga dahil dumaan pa cla sa Board Exam para maging "certified mamaw"... Kung masasali lang ang ang online game as one of the sports sa Olympics cgurado hahakot tau ng gold… kahit nka-blind fold nagagawa ng mga mamaw pataubin ang mga kapwa players… sumakay k pa.. mani2x na lang sa kanila yan kumbaga... kung ang mga tanong sa exam sa iskul ay related sa mga games ay cguradong perpek nila… kaso karamihan sa mga mamaw out of the coverage area… di dahil mga SUN Cell subscribers cla at mahirap talaga signal ng Sun…. kundi dahil di mo cla ma-reach….mapapahiya ka lang at sasabihan ng HU U?? Tulad ng Sun Cel, 24/7 naman kc cla sa harap ng computer… kaya walang dapat ipagtaka... “kuya penge po ng gamit na pinaglumaan mo saka penya na rin na nahack kc ako” “Kuya paturo po ng mga moves sa D8 pls..” "Kuya pabaps naman ako pls on quest kc ako... “pakyu ka noob, weak ka... delete mo na yang account mo gagu”…. Ganun cla ka-harsh…. Pero di ko naman nilalahat…sabi ko karamihan lang…. ibahin nyo cla ~Blue~Son~ at -Whittam-….woot….


Bot – sa counter strike ko unang nalaman ang term na yan… tapos sa chat…. At halos sa lahat ng online games e sadyang may mga botters talaga…. This is the method of applying “cheat” to the game para may thrill daw…. Halimbawa na lang sa Audition…. Para mkapagpayaman ka dapat may bot ka…. Hirap kasi talunin ng NPC sa battle party… kung di mo gagamitan ng BOT…. taghirap talaga sa Den… Masaklap kung ang bot ay ginamit sa non-battle party…. Dahil kung bot ka at mga mamaw kalaban mo, di cla mkkpalag at cguradong taob cla kahit stiffy ka lang… at xmpre katakot takot na panghahamak at kahindik-hindik na sumpa naman ang aabutin mo at ccguraduhin nila na magpapa2loy ang sumpa hanggang sa ikatlong henerasyon ng iyong lahi…. Pag di na uso ang Audition saka lang magwawakas ang sumpa…. Para kang WANTED sa IRL (in real life) dahil hinding hindi ka nila tatantanan at isusumbong ka pa nila kay Tulfo... irereport ka nila sa mga GM sa forum….kung naniwala c Tulfo este ang mga GMs sa sumbong it’s either ban na ang account mo o kaya may kakatok ng pulis sa pinto nyo mamaya dahil may warrant of arrest ka na…. Ganunpaman, nsa bot pa rin ang huling halakhak.…bakit kamo??.... sangkatutak ang account eh…. “Who care kung ma ban ang isa o dalawang characters ko, may reserba pa naman akong 50 pang accounts…” (adik)

LOL – abbreviation for ‘Lauging Out Loud’….. pdeng gawing LOLZ, LOLX, LOLS, LOLY(wala pa ko nakita nyan) o plain LOL lang it's up 2 u... depende kung san ka hiyang….(di po yan plural kundi for the sake of kaek-ekan lang)… ewan ko lang sa mga idiots, morons at imbeciles out der kung bat iba pagkkaunawa nila jan sa chat lingo na yan eh yan ang pinaka common na abbreviation sa internet... di ba nga ginamit pa sa isang commercial kung saan nag-galit galitan ang ama kc ang reply lang ng anak sa txt nya eh LOL…. “Dad, LOL means Laughing Out Loud” sabi ng anak…. “Ahhhh!!...Cge anak GTG na lobat na cp ko, bb...” sabi ng amang nagmamaang-maangan…" Pero kung cra ang 2k2k ng tatanungin mo ng use LOL in a sentence e2 sasabihin:

Pota manduragas ka chancer….LOL ka… LOL kaaaa....
(bala na kau interpret kung anu ibig nyang sabihin sa LOL)

Aw – ang iksi noh? Kung di ako nagkkamali parang pinoy version 2 ng "ouch"...mas marami kang maririnig este mababasang gan2ng termino sa larong Audition kesa sa kung san man online game…. Kasi pag sumablay ka sa move, talagang mapapa AW ka sa PAU….Lalo na kung Back Up ka na at sumablay ka sa FM ng Gloomy March…tsk tsk….tragedy…. kaya pag ang song e 188 bpm puro aw… aw…. aw….(simultaneously) cla.... parang tumatahol lang di ba… ung iba naman para maiba binabaliktad ang “aw”… kagaya ko... ”wa” (hikbi)…. “waaaaaaaaa” (atungal)…”waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh” (overacting)….

Panggap – kung sa English e2 ung “great pretender” lolz.... mamaw sa katawan ng isang noob…. Di kunten2 sa isang account kaya nung mataas na ang level ng character gumawa ulet ng bagong account kaya back to zero…. Lalabanan ang mga baguhan para magpasikat at makalikom ng fans hindi yan titigil hanggang walang nabubuong fans club.... pag may fans club na, hihikayatin nya un na gawan xa ng rebulto para sambahin…. Kasi nga naman di nya kayang makipag sabayan sa mga kalevels nya…. todo na 2... Hanggang dun na lang cguro ang kaya ng talent nya….wala ng ii-improve… Sa audition marami n2…. Isang Stiffy papasok sa Air Flare sasabihin “wag po kik di po ako bot”…. astig di ba??….di mo lam kung defensive o anu…. Wala naman nagtatanong sa knya ng “Bot ka b kuya??”… Pag may ganung level kasing naligaw sa Air Flare or Undaground Servers it’s either bot xa or panggap xa… ang malupet nagagawa pang magbuhat ng sariling wheel chair…. “Anu ba yan bagal naman ng song nagmimiss 2loy” “kakaantok ung song…. kuya ung kim lovely naman po o kaya ung Understanding Men and Women”…. "d8 or c8 po kuya".... Xmpre para sa pikon na DJ at favorite ang Gloomy March at How Deep is your Love, KICK lang ang katapat nyan…

Pilot - naglalaro ng nde nya character... mga naglalaro ng account ng may account... maaring kaklase, kaibigan, ka-ibigan, kapitbahay, kamag-anak, karelasyon, kabarkada, ka-Q, kapuso, kapamilya, etc... pero with consent naman ng aanga-angang may-ari ng account.... kadalasan cla rin ang humahack sa account ng pina-pilot nila dahil alam nila ang username at password...


May mga players naman na pag natatalo ang daming palusot wag lang masungkit ang iniingat-ingatan nilang belt at korona sa larangan ng Audition…. Imbes na aminin na natalo cla kc magagaling kalaban, nagpapaliwanag pa live via sattelite kung bakit cla natalo sa round na un…. E2 mga halimbawa:


“waaaa lakas kc ng lag…. Kanina pa ko naglalag bwisit…. Kainis…..”
(baka pustiso mo nalaglag)

“Aw…Game na nga…Game na talaga...”
(kami knina pa kami game, ewan ko lang sayo)

“Pota naman keyboard d2 ang tigas… ang ppangit ng keyboard sa shop na 2…”
(sa tig 10.75 per hour cgurong internet shop ka naglalaro)

“Bobo kasi ng pilot ko… talo tuloy… ako na nga maglaro”
(sabay papa pilot sa ka-shop na mamaw)

“ngpapakain kasi ako ng aso namin eh… game na tapos na ko”
(tsk tsk…naubusan ng palusot)


Basta ako natatalo lang naman ako kc LAG ang kamay ko...


Friday, July 4, 2008

Fil-Am Friendship Day daw ngayon??...



Habang nagbbunyi ang mga kababayan ko sa tate dahil WALA SILANG PASOK ngayon (Independence Day, yey!! Long Live America!!!), ako e2 nid pumasok sa opisina upang magbanat ng buto at mamuhunan ng pawis para may pambili ng NFA rice...T_T... Poohtang bigas yan sinasapawan ang kasikatan ni MAHAL... Walang poknat ang pag-angat ng karir... Kung bakit kasi naispian ko pang mag migrate d2 sa Pinas... nak ng...

kung ako tatanungin mas gus2 ko mag stay sa hauz at kumanta ng "Star Spangled Banner" sa umaga bago mag Umagang Kay Ganda; sa tanghali bago mag Wowoweee, sa gabi bago mag Singing Bee; at hatinggabi bago mag Bandila (LOlz..Certified Kapamilya) habang winawagayway ang bandila ng America... awooo... kaso wala e... daming nagaantay skn na paperworks at kinakailangan talaga nila autograp ko ngayong araw na 2... "it's now or never," sabi ng mga papel... ayus lang sana kung ako ang Boss at ung mga ppirmahan ko eh mga resignation letters ng mga epal kong tauhan... un tipong walang inatupag kundi mag-AUDITION during office hours (ouch!)... at ung ibang mejo low-tech na "pacman" naman ang ginagawang past time (palibhasa kapanahunan nila nauso)... (sana wag mabasa ng boss ko 2ng post na 2 *cross-finger*) ang kaso mo, ung mga nirrush ko ngayon eh mga nka-compromise na kinakailangan tapusin within this week... Take note, last day of the week na pala ngayon... wat da.... At xmpre dahil astig sa malupet sa mabangis ako.... tadaaaaaaa wipe out na ang mga records sa table ko... kitang kita naman nagawa ko pang mag-blog... maya2x na ko uwi para kunwari nag OT... Saka 4 sure sa Monday may Twin Towers na naman sa table ko.... pero sa 22o lang sakit ng ulo ko huh... hirap ng maghapon naka tutok ang mata mo sa monitor ng computer... tapos mmaya pag uwi sa bahay.... monitor ulet.... di na nga daw ma-distinguish ng nanay ko kung alin ang mukha ko at alin ang monitor...wadapak...


Mejo kakaiba talaga ngayong Friday kc dederecho na ko uwi n2 ngayon sa bahay.... dapat TGIF Mode kami ngayon... unfortunately, walang dumating na "biyaya" o "hulog ng Supreme Court" mula sa kataas-taasang hukuman... not 2 mention the absence of Kajo kaya hindi pwedeng ma2loy ang pagliliwaliw na nakagawian na namin tuwing Friday...hahayz... *buntong-hininga*

Hala...Lakas pa ng ulan sa labas... tila nakikisama sa di pangkaraniwang araw na i2... what a monotonous, tedious, tiresome, dull, wearisome DAY!!... gus2 ko lang sabihin na BORING... ampucha talaga 1 week na gan2 ang routine ko... 1 week ng di nkkpaglaro ng Audition.... 1 week ng di nkkpag YM... 1 week ng di nkkapag Youtube... 1 week ng di nkkpag friendster (yan ang di kapanipaniwala..see last log in)... pero kung pagsasama-samahin.... mas konte ang time ko sa internet ngayong week kumpara sa trabaho... which I daresay is UNUSUAL... bah buti sana kung malaki pnpasweldo sa kin ng gobyerno para ilaan ko ang 3/4 working hours ko sa trabaho at 1/4 lang sa luxury... di ata proportional un amp... papayag ako sa 3/4 working-hour allotment kung may kasamang "corruption" hek hek...

wenks and2 na c Janet na galing din sa OT... makauwi na habang may kasabay....