Friday, February 27, 2009

K.I.L.I.G.

I'm just being selfish...
I'm here on my own free will...
I used to always cry and give up...
I nearly went the wrong way...
But you...
you showed me the right way...
I was always chasing you...
wanting to overtake you...
I just wanted to walk with you...
I wanted to be with you...
You changed me... your smile saved me...
So, I'm not afraid to die protecting you...
because I-- LOVE YOU!!!





These are Hinata's last words (hope not) for Naruto when she opted to interfere in that fiery battle between Naruto and Pain (Source: The newly released episode of Naruto Manga series Re: Confession! Episode 437)

So sweet, isn't it??... As I read those lines, I felt as if thousands of butterflies had gone off inside my stomach... the very same odd feeling I felt when I had a crush for the first time... the simultaneous pounding of my heart and the quivering of my hands, the drying of my lips, and my defiance to the law of gravity... aaahh I wonder how soon will my Hinata come and utter those words at me (asa)... XD

This episode is much-awaited particularly for those Naruto-Hinata fans (count me in) xD.. and I can't blame Naruto for releasing the six tails out from the Kyuubi... Now I'm starting to get curious... which is stronger: Naruto in 6-tail form or Naruto in sage mode? And what the hell does Nagato/Pain mean by this paradox of PEACE and PAIN back-to-back... He keeps my nose bleeding constantly... indeed...

Monday, February 23, 2009

.25

OMG-WTFH... Ayokong palagpasin ang araw na to nang hindi ko naitatala sa kasaysayan ng blog ko ang isang napakahalagang pangyayari sa araw na to... The minimum fare of P7.50 has been reduced to P7.00... at ang masasabi ko lang yahooooooooooooooooooo. com.ph.

Galit ako sa bente-singko (25 cents).

Kung bakit naman kasi hindi pa piso (P1.00) ang ginawang basic unit of Philippine currency. Tutal sakto naman si Rizal na ating pambansang bayani ang naka engrave dun. Piso ang isang pirasong kendi ngayon. Piso ang isang stick ng sigarilyo ngayon. Piso ang isang fishball ngayon. Piso ang hinuhulog sa video karera ngayon. Piso ang isang band-aid ngayon. Kung iisipin, ang role lang ng bente-singko sa buhay ng tao maliban sa kara y krus e partneran pa ito ng isa pang bente-singko para makapagbayad ng sakto sa jeep. Dahil pag nagbayad ka ng P8.00 wag ka ng umasang susuklian ka pa ng driver ng singkwenta. Maliban dun, wala ng silbi para sakin ang kulay tanso na coin na yun.

Kung hindi lng P7.50 ang minimum fare sa jeep, hindi ako magiipon ng tig-bbente singko sa coin purse ko. At xmpre dapat may kapartner ito para maging singkwenta. Pag wala ako nun kahit may tigpipiso ako sa coin purse, yung buo binabayad ko para masuklian ako ng sakto. Oh di ba anlake ng problema ko? Dinidibdib ko talaga yun… mas gugustuhin ko pa maging P8.00 na lang ang minimum fare wag lang may butones. Butal sucks….

F A Q

Q: Kung ang mukha mo ay ilalagay sa isang side ng bente-singko centavos, mababago ba ang pananaw mo tungkol dito?

A: Hindi. Aaamin ko mukha akong pera. Pero hindi ako mukhang barya.

Q: Naniniwala ka ba sa kasabihan na “hindi ka makakabuo ng piso kung wala kang bente-singko”?

A: Hindi. Dahil hindi ko ugali magbuo ng piso sa pamamagitan ng pagiipon ng apat na bente-singko.

Q: Anong balak mong gawin sa mga bente-singko na meron ka ngayong wala ng butal na singkwenta sa pamasahe ngayon?

A: Ihulog ang mga ito sa mga Bantay Bata coinbanks na makikita sa counter area ng Jollibee o kaya sa mga Red Cross coinbanks na makikita namn sa bilihan ng tiket sa MRT.

P.S. (Paepal Saglit) [[off-topic]]

Habang sinusulat ko tong post saktong nakikinig ako sa radio ng phone ko... 97.1 Barangay LS FM ang station at “Wanted Sweetheart “ ang programa . Wala lang natawa lang ako sa portion na to—

xxx xxx xxx

DJ: May nag-text dito tutal daw walang kakwenta-kwenta ang pinagssabi nyo, pwede nyo daw bang sabihin kung ano ang motto nyo in life. Ikaw mauna ate?

Female Caller: Try and try until you succeed.

DJ: Bakit yun ang motto mo ate?

FC: Eh yun eh!

DJ: Bakit nga?... eh kaw ba pare ano naman ang iyong motto?

Male Caller: If others can do, what can I?

DJ: Wooo!!! Bigatin yun ah ngayon ko lang narinig un. Ulitin mo nga pare isa pa? Tanggalin ko background music para maintindihan ng lahat. Maganda yung binitawan mo na yun e.

MC: If others can do, what can I? [if other's can do, why can't I?]

DJ: Yun talaga e (laugh)…

xxx xxx xxx

"Kung kaya ng iba, may magagawa pa ba ako?"