Friday, August 15, 2008

~Gawain ng Walang Magawa~

Due to insistent Pishnge's demand... kahit na tinatamad talaga ako mag post dahil sa sobrang hectic ng sked ko... meetings, conferences, tapings, mall tours, album launchings, premiere nights, courtesy call sa MalacaƱang, awardings.. whew! mga pangarap kong jackpot lahat yan...


seriously, busy naman talaga ko sa kung sino2x este sa kung anu2x...


so, e2... TAG daw tawag d2... first time ko gagawa neto... di naman cguro masama kung paminsan-minsan magpapauto tayo di ba?? (Kelangan kong patunayan na nde KJ si Scar) =P

Here’s the rule…

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists!
Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go to, over and over:


OFFICE - constant na yan... nid ko talga bumalik-balik jan sa ayaw ko at sa gus2... kung gus2 ko pa mabuhay ng matagal sa mundong ibabaw... kung pde nga lang pumasok sa maraming office gagawin ko dahil Kayod-To-The-Max- Mode ako... marami akong binubuhay... haaaay...

TRINOMA - dahil nadadaanan ko talaga ang mall na yan pag-uwi, di ko maiwasan di muna pumasok sa loob... game, magpapaka22o na ko... isa sa mga dahilan ang mala 7-Wonders-of-the-world scenery sa loob... DAMMMNNN dude andameng nagkalat dun na hot pretty chickababes na nka shorts na 3 to 4 inches below the belt na feeling nila nasa loob lang sila ng mga bahay nila hek hek... sure ball busog ang mga mata mo... (no violent reaction pls..) kaya kung di ka pa nkkpunta dun TSSSKKK ka... Gus2 ko rin ang mga Cinema dun... kahit mejo mahal sulit naman manood dahil siguradong walng eepal na ulo dun dahil nka elevate as in de luxe style... Sarap din tumambay sa Timezone at Powerbooks... (dapat bayaran ako ng Ayala Group of Companies sa libreng ads na to)


COMIC ALLEY - no question on that... isa akong ANIME character na namumuhay sa mundo ng mga mortal... ayun... basta hilig ko ang anime kaya enjoy ako tumingin ng mga Anime Stuffs sa store na to... kaso di naman makabili dahil ginto ang mga presyo... saka ko na lang babalikan pag tipong walang mapaglagyan ng salapi... sa ngayon wala pang mailagay na salapi...

HAUS NI PAREKOI - (TRIVIA: "Parekoi" ang term of endearment namin) sweet noh??.. pareho kc kaming najojologan sa "beh", "hon", "mahal", "sweetie", "babe" at kung anu-ano pang kakiligan na endearment... di ko na explain kung bakit pabalik-balik ako sa haus nila kc self-explanatory naman di ba???... dun ako nakikain...


2. Four people who e-mail me regularly:

DIONY - classmate ko DATI sa College of Law... lapit na xa maging lawyer (inggit ako)... hilig nyan magforward sa e-mail ng kung anu2x katarantaduhan... in fact, sa kanya ako natutong maging tarantando... hehe... kulet ng mga nakaktawang pics at jokes na sinsend nyan... kala mo walang magawa sa buhay... partida nag-aaral pa yan ng Law... kaya nga idol ko yan c pareng Diony Ayeng wahahah galing mag manage ng time.... at take note nanlilibre yan ng Sanmig Light pag tinotopak... waaah dude miss ko na ung inuman natin sa may Aurora Blvd... (mabasa nya kaya to??)

AIKA - Suki ko sa e-mail dahil automatic akong naiinform pag may bago xang update sa Multiply nya... pati ung friends nya sa Multiply na di ko naman kilala pero nadadamay din sa mga nag-eemail through her... (Trivia ulet: c Aika ay adik sa BLOGGING) LOL


IAN - Another blog adik sa Multiply har har.... katulad ng reason kay Aika, suki din xa sa mga E-mail ko...


HANNAH - although bihira na xa mag e-mail ngayon, Top 4 xa sa mga senders ko sa E-mail... Ka-crew ko xa dati sa Jollibee nung time na working student ako... "Honey" ang screen name nya dun... ako naman "Bhebhe"... la lang cnabi ko lang... (Balik tanaw sa Jollibee Moment)... crush ko yan dati weee cute kc mag smile parang nang seseduce... eh lagi pa ko puyat nun kaya cguro ganda2x ng paningin ko sa kanya hahaha... kaso bawal daw xa magpaligaw nun... di ko lam kung nahihiya lang xa ako prangkahin na basted ako hehe...


3. Four of my favorite places to eat:

KFC - dahil e2 rin ang fave ni Pishnge...heheh... actually, fave ko na rin to dahil dito kami madalas mag lunch nila Kajo at Janet (classmates ko na nagwwork din sa parehong building) pag nakakaraket... adik ung dalawa sa Dragon (katol) ako naman laging chicken (both crispy and original) kc gus2ng gus2 ko ang gravy nila... as in sinasabaw ko sa kanin... lagi akong may extra plate para dun ilagay ang maraming maraming maraming GRAVY... sulit sarap to d bones...

MCDONALDS - dahil sawa na ko sa Jollibee, McDo ako madalas... wala, mura eh... para sa mga katulad kong dukha, masaya na kami makakain sa McDo... fave ko lang naman jan eh ung french fries nila... maliban dun mas masarap pa rin sa Jollibee...

PANCAKE HOUSE- sa totoo lang mabibilang sa daliri kung ilang beses pa lang ako nakakain jan... kumikinang kc mga fuds jan pdeng isanla... kaya pag kumakain ako jan kinabukasan na ko nag-totooth brush kc ninanamnam ko pa yung kinain ko baka makalimutan ko ung lasa... at least pag may nagtanong sakin kung nakakain na ba ko sa Pancake House at kung masarap ba eh may maisasagot ako... di tulad ni Bloom pag tinanong mo kung anu lasa ng kape sa Starbucks o kaya pizza sa Yellow Cab o pancake sa Pancake House... pati ingredients sasabihin nya sayo in details... eh ginagawa nyang chichiria mga fuds jan e... basta trip nya lumafang... di ba bloom??


MESA NILA PAREKOI - dun talaga masarap kumain... dabest kc magluto si Parekoi... yummy.. makakalimutan mo pangalan ng alaga mong aso saglit... di xa naghuhugas ng kamay bago magluto kaya sumasama ung mga libag nya sa kamay... un ata sikreto nya... may mga ritwal pang sinasagawa para maging malasa ang kanyang lutuin... lahat may sukat... pati ung bilang ng ikot sa paghalo ng niluluto at kung clockwise o counterclockwise ba, may sinusunod xang standard... at ang masarap dun... sabay kaming lumalafang ng nakataas ang paa... XD


4. Four places i’d rather be:

HOGWARTS - walang kamatayan hehehe... there's no better place than Hogwarts talaga... mga portraits na gumagalaw, mga ghosts na palutang-lutang, mga hagdan na palipat-lipat... hallways lighted by candles suspended in mid-air... the Room of Requirement... meron ba kau nun??? Asteeg talaga... gus2 ko ng bumalik sa Hogwarts... T_T

HIDDEN VILLAGE OF KONOHA - wataaaaa haik whooop boinkzzz... dun aq mag-aaral ng "Kunai Throwing" ala Sasuke hehe... Mamasterin ko ang iba't ibang uri ng ninjutsu, genjutsu at taijutsu (wala sa mood mag-explain kung anu2x ang mga un)... hanggang sa maging isa na akong ganap na Shinobi... at maging isang Hokage...

PALAWAN - yan nde na fictional... yan ang dream place ko d2 sa pinas... at sa kasamaang palad di pa ko nkaka apak jan... napanood ko lang sa TV yung place at na-amaze talaga ako... anu ang gagawin ko jan?? walang kamatayang Scuba Diving wooohhoo... di ko pa nasubukan un at un ang pangarap ko magawa bago ako malagutan ng hininga... sabi ko nga pag nasa dying state na ko pasusulatin ko ang mga kamag-anak ko sa Wish ko Lang dahil un na ang last na pag-asa ko mkapag Scuba Diving... kahit dun na ko malagutan ng hininga (kunwari natanggalan ng oxygen)... gus2 ko rin mapuntahan ung mga caves dun sa Palawan... I love nature... kaya naman nagrerespond ako agad pag tinatawag ako ng kalikasan...


KWARTO NI MAJA SALVADOR - nyahahah peace tayo parekoi... don't wori di naman ako papatulan ni Maja... lam mo naman super duper mega for all season ever crush ko un... Isa sa mga dreams ko ang makasama ko xa kahit isang gabi lang sa kwarto nya (green minds are not allowed here) heheh... ayus na sakin makabonding ko xa ng isang buong araw...


5. Four TV shows I could watch over and over:


BUBBLE GANG - bihira lang ako manood ng TV at ang Bubble Gang ang isa sa lagi kong pinapanood... idol ko kc c Michael V magpatawa... lahat naman cguro elib sa kanya... enjoy panurin dahil di ganung korni mga jokes dun... (TRIVIA ulet: Kapamilya ako)

GOIN BULILIT - See kapamilya ako... nde sa idol ko si Dagul... fave ko ang Goin Bulilit kc pag mga bata ang nagpapatawa kahit korni nakakatawa na rin, ang cucute eh... natutuwa ako hindi natatawa... cnu ba ang nde makaka-alala sa "4:30 naaaa, ANG TV naaaaahh".....

DRAGON BALL Z - ilang beses na yan inulit-ulit pero pinapanood ko pa rin... though di naman yan ang fave anime ko talaga, natutuwa na rin ako... kulet kc ng kwento... pag naglaban-laban lahat ng anime characters, cguradong c Goku na ang mananalo... imagine natalo niya c Freeza na kayang magwasak ng isang planeta... ganundin cla Cel at Majinboo na sobrang lakas ng powers... potek na yan... anung cnabi ng mga genjutsu, ninjutsu, taijutsu, nen, ten, ren, kyo at hatzu sa AURA ni Son Goku??..

SMALLVILLE - Yeaaahhh... kahit panu nanonood naman ako ng foreign TV Show... "Sometimes we need to keep secrets just to protect the person we love..." fave line ko yan hehehe... pinaka-safe na palusot pag may secret kang tinatago... asteeg din ang Smallville kahit di naman si Superman ang fave ko na superhero... ayus din ang kwento dami ko natutunan sa mag-amang Luthor daming alam...


6. Four people I think will respond:

patay tayo jan... may magrespond kaya??

PISHNGE - dahil ikaw may pakana n2... binabalik ko ulet sayo... ulitin mo ung gnawa mo gus2 ko ung mahaba ang paliwanag gaya n2... parang nasa presinto...

BLOOM - meron ka na pala n2ng tag na to... pero dahil ang tanong eh "Four People I think Will Respond," sinama na kita sa list... dahil alam kong magrerespond ka kung sakali di ba??... lakas ako jan ke bloom eh...

AIKA- lam ko dami kang school activities at pampam lang sa time mo tong tag na to... pero tingin ko magrerespond ka d2 dahil ako ang nagrequest di ba??...


IAN - umaasa rin ako na isa ka sa magrerespond d2 dahil ang nagrerequest ay walang iba kundi ako... wala na rin kc iba eh... ilan lang kayong kilala ko d2...XD \m/

Sunday, August 10, 2008

Psst.... meron bang Huling El Bimbo??

HALAAAAAAA HALAAAAAAA TULOY BA TALAGA REUNION CONCERT NG E'HEADZ SA AUGUST 30 O ANO??... ANU BANG KAHANGALAN 'TO:

---------------------oOo-----------------------

"Dr. Maricar Limpin of the Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) criticized Philip Morris, manufacturer of Marlboro for its Red List.

The “Red List” is the cigarette manufacturing firm’s new way of promoting their products through the Internet. Those who register on the “Red List” get invited to special events that give away cigarettes and drinks to guests. The Red List registration site is reportedly being used for the upcoming reunion concert of the Eraserheads on August 30. Those who want to get hold of free tickets simply need to register on the “Red List”. Limpin said FCAP has been monitoring the registration site, and the group has learned that even non-smokers, most of them young, have already applied for free tickets to the concert.

The Department of Health (DoH) on the other hand, said Philip Morris International Inc. has violated the Philippine tobacco law by sponsoring the Eraserheads reunion concert. Health Undersecretary Alexander Padilla said Philip Morris violated Republic Act 9211 or the Tobacco Regulation Act of 2003, which prohibits tobacco advertising from sponsoring events like concerts.

Meanwhile, Louis Camilleri, chairman and chief executive officer of Philip Morris International, said in a letter: “The promotional event you refer to is an invitation-only event, not open to the general public. It is restricted to our trade partners and to adult smokers who can obtain an invitation by registering on our adult-only access website, where they must provide proof of age through a government issued ID.”

---------------------oOo-----------------------


anak ng... last month pa kami atat nila Shadow Angel at Mongz na makanood ng reunion concert ng Eraserhead... kahit busy-busyhan nagche-check ako regularly sa net kung in-announce na ung site na pagddownloadan kuno ng ticket para sa concert... tapos biglang e2 tatambad na news... wat da hek... kabad3p naman un... dami na naming plano para dun... nakaready na mga mineral water na may lamang wiwi para ihagis sa mga epal na mag-iislaman.... nagpatatoo na c mongz ng tribal sa kili-kili.... plantsado na gown na isusuot ni Shadow Angel... nakaready na rin mga dyaryo na gagamitin para sa paperdance namin ng Huling El Bimbo... MAUUWI LANG BA LAHAT SA WALA??...

Sayang naman... first time ko madadala si parekoi ko sa concert kung sakali... nkapag pramis na ko... at alam ko kung gaanu rin xa ka-excited na maka-attend dun... hataw sa pagka-adik yun eh... "Eraserheads forever!" ang battlecry nya... pwede naman "Scarhead forever!" na lang... kaya kahit mahina baga nya sa mga alikabok, kinontrata ko na dalawang butas ng ilong ko para langhapin nila ang mga alikabok na masisinghot ni parekoi ko... woot... ganun talaga lalabs ko un eh... kahit mas labs pa nya si Ely Buendia sa kin... ayus lang... di naman xa papatulan ni Ely har har...

Last week nag-register ako sa Marlboro Red List dahil yun daw ang sponsor ng gaganaping concert... para maka-avail ng ticket, nid daw magregister dun.... although wala pang announcement talaga kung panu maddownload ang ticket, nagregister na rin ako... uto-uto eh.. saka wala naman mawawala... ang kaso naman andaming qualifications bago maging successful ang registration...

Una, dapat 18 years old ka pataas...

isang malaking TSKKKKKKK... buti na lang of legal age na ko... pasado ako sa unang criteria... pero di ba mostly sa mga fans ng Eraserheads gaya ng iba pang mga banda ay mga minors pa??... mga elementary at high school... minsan nga di pa nag-aaral fan ng Eraserheads... gaya ng pamangkin kong si Budoy... 4 years old lang kabisado na nya ang "Maling Akala," "Toyang," at "Magasin"(gifted child)... kaya masasabi kong mejo unfair ang unang requirement....

Pangalawa, dapat SMOKER ka...

dun ako bumagsak... of legal age nga ako... pero di ako smoker... namaaaaaan sa pagka strict ang Marloboro... kulet ng marketing strategy nila... no wonder kung bakit tinitira sila ng FCAP... para lang pala sa mga patrons nila un concert... ampness... andadamot... anu bang magagawa ko, di hamak na mas masarap uminom ng alak kesa mag yosi... pero dahil Eraserheads ang pinaguusapan dito... fine, magyoyosi ako... partida, bibilugin ko pa yung usok na ilalabas ko sa bibig ko... bigyan lang ako ng tiket...

Pangatlo, dapat mag-submit ng ID o kahit anung dokumento na magpapatunay na 18 years old and above ka na...

Patay tayo jan... cguradong dadagsain ang Recto ng mga kabataan para magpagawa ng mga pekeng ID, birth certificate, Driver's License, Diploma, etc... hirap neto... tiyak na maraming makakasuhan ng falsification of public document sa katarantaduhang ito... pero talo-talo na... tiket ang nakasalalay dito... meron naman akong ID pero di ko pa nssubmit dahil di ko pa napapa-scan... naisip ko kasi baka nanggugudtaym lang sila eh wala pa naman talagang announcement regarding sa site na magrerelease ng tiket... may scan pang nalalaman...

PURPOSE NG POST NA ITO:

Ang post na ito ay isang panawagan sa ... mga kapwa adik sa Eraserheads at sa rock music... kapwa di nagsisipag-yosi pero willing magyosi mkanood lang ng concert ng E'headz... kapwa galit sa mga hip-hop (peace tayo)... kapwa EMO... kapwa ko, mahal ko... please lang paki-inform nyo naman ako kung: tuloy ba talaga concert sa August 30 ng E'headz o echos lang?? san ba talaga makakakuha ng tiket dun?? Paano makukuha ang tiket?? Di ba pwede uminom na lang ng Red Horse kesa magyosi??


Monday, August 4, 2008

~One Wet Monday~

Kahapon ko pa inaabangan sa TV ang paglabas ng FLASH REPORT: Classes of all levels and both private and public offices are suspended due to [insert the name of the typhoon here]…

I love wet season… I love wet dreams…LOl… Kakatamad naman kasi bumangon sa kama pag umuulan… lalo na pag may kayakap… na unan… gaya kahapon maghapon ang ulan… tulog… kain… tulog… laro audition… tulog... kain… tulog… wiwi sa cr… tulog… txt-txt… tulog… ang ginawa ko… linggo kahapon, lunes ngayon…

Wala eh… asa pa… binigo ako ng PAG-ASA… may pasok daw…. pambihirang low pressure area di pa naging ganap na bagyo para magkalat ng manaka-nakang pag ulan, pagkulog at pagkidlat sanhi ng hanging habagat na umiiral sa silangang bahagi ng bansa… (sori sa mga binabaha, walang personalan hehe)… No choice, nid kong pumasok dahil naniniwala ako sa pamahiin na pag bad3p ka ng lunes buong linggo ka bad3p… kaya kung absent ako ngayong lunes malamang one week din akong absent… masaklap nyan sabihin na rin ng boss ko na ituloy-tuloy ko na ang pag-absent…

Walang ulan pag-alis ko kanina… kala ko tuloy2x na kaya di na ako nagdala ng payong… kala ko lang yun… pero sa totoo tamad ako magbitbit ng kung anu-anong anik-anik… lalo na ng payong… maliban sa makalimutin ako sa mga dala-dalahan ko, panira ng get-up ang payong… sayang ang plantsado kong buhok… plantsadong panyo na pantay ang pagkakatupi… plantsadong medyas… nkkabawas pogi points… kaya pag pumapasok ako, wala akong bitbit… parang mamasyal lang sa Baywalk…

Eto na… nakasakay na ko sa jeep nang biglang bumuhos ang malakas na ulan… shet.. pasarapin ang ekesena… ilabas ang coke… spotlight… bumaba ako at naglalakad sa gitna ng ulan… biglang may nag-alok na magandang chicks ng payong… sumilong ako… nakangiti siya sakin… mapang-akit na ngiti… binigyan ko rin siya ng killer smile… huminto kami sa gitna ng ulan habang pinagkakasya ang mga sarili sa dala nyang payong… sinapo ko ang mga kamay nyang nakahawak sa handle… di siya tumanggi… dahan-dahang naglapit ang aming mga labi … pero xmpre nde un ang totoong eksena… nasa jeep pa rin ako at malapit ng bumaba… patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan… naisip ko pagbaba ko kaya pogi pa rin ako?? Mas inaalala ko ang buhok kong nka-gel… cguradong tablado sa ulan… walang matigas na buhok sa ulan na bumubuhos… it’s a matter of life and death… kelangan ko ng bumaba… Bahala na c Batman…

Pagbaba ng palengke, silong agad ako sa may naglalako ng pirated DVDs… “DVD, boss,” alok ni kuya… “Maya na lang boss pag-uwi ko, daan ulet ako dito”… chorva ko lang un… baka paalisin ako sa kinasisilungan ko pag sinabi kong di ako bibili…. para naman makakatulong yan DVD nya para di ako mabasa... ilang minuto na di pa rin tumitigil ang ulan… ampness… mukang mapapabili ako ng payong ng wala sa oras… tipid mode pa naman ako… wala ng pandate... nagdecide na ko… di bale na masira budget ko kesa tumambay sa tindahan ng pirated DVDs… lapit ako sa batang babaeng nagtitinda ng payong…

Ako: magkano payong mo??...
Bata: P65 lang kuya….
Ako: mahal naman… bat may butal pang P60? P5 na lang…
Bata: *halakhak sabay hampas sa braso ko (feeling close)* palabiro ka kuya!! Haha…
Ako: toink… di nga… mura lang mga ganitong payong disposable to eh…
Bata: Kahit saan ka magtanong kuya yan ang presyo nyan… cge P60 nalang para sayo tutal pogi ka naman e…
Ako: hanep ka mang-uto ah…hanggang dun na lang discount??...
Bata: Oo kuya, bawi lang kami sa puhunan…
Ako: Mga ilan naman warranty nito?
Bata: Mga kalahating araw kuya… *tawa ulet*
Ako: Cge ntayin mo ko mamayang tanghalian, babalik ako sira na tong payong… e2 bayad…
Bata: Ate, ate suklian mo tong 200 ni kuya… (dumungaw si ate mula sa loob ng tindahan… wahaw dude kamukha ni Chocoleit si ate kung naging bakla)
Bata: Eto kuya sukli mo… salamat kuya…
Ako: whew! mukhang kapos tong handle ng payong mo ang iksi… mukang masisira talaga to mamayang tanghali (sabay alis)
Bata: Cge, balik ka na lang kuya mamayang tanghali… saka anu nga pala number mo sabi ni ate??
Ako: ha?? Oo cge tenk yu ha… (kunwari di ko narinig sinabi)

Nasira ko yung hawakan sa dulo nung payong pagdating ko ng office… pero pinag-iisipan ko kung babalik ako dun mamaya para i-avail yung warranty… :P